20% OFF shipping at auxtoursdunmonde.com on orders over $79 + up to 10% OFF products
auxtoursdunmonde.com
home > Sa Pagitan ng mga Emerhensiya (The Philippine Writers Series 2022) > Sa Pagitan ng mga Emerhensiya (The Philippine Writers Series 2022)
download picture
Sa Pagitan ng mga Emerhensiya (The Philippine Writers Series 2022)Hindi maikakahon si Rosmon Tuazon, na pangunahing makata ng mga ideyat posibilidad, mga pansamantala, pala palagay, pana panaginip (ng personat panauhan kabilang ang mga anghel), paradohat parikala, mga makabagong parabulang walang aral at malaparabolikong pagsasalansan pagsasalaysay, pag aatupag ng at pag aatubili sa kung ano ano at kung saan saang kalat at kalatagan ng kaisipan, mga hinarayang liham at lihim, mga improbisasyon habang may buhat na
Shopping security

Shopping security

Each payment you make on thelockerguy is secured with strict SSL encryption and PCI DSS data protection protocols

Hindi maikakahon si Rosmon Tuazon, na pangunahing makata ng mga ideya’t posibilidad, mga pansamantala, pala-palagay, pana-panaginip (ng persona’t panauhan kabilang ang mga anghel), paradoha’t parikala, mga makabagong parabulang walang aral at malaparabolikong pagsasalansan-pagsasalaysay, pag-aatupag ng at pag-aatubili sa kung ano-ano at kung saan-saang kalat at kalatagan ng kaisipan, mga hinarayang liham at lihim, mga “improbisasyon habang may buhat na silya,” “mga nakaw na linya,” mga walang pangalan at kay raming pangalang karanasan at katauhan.

Nasa koleksiyong ito ang isang mundong arbitraryo bagama’t kongkreto o isang mundong kongkreto kahit arbitraryo, na mamamalayang muli’t muling binubuno-binabanat, binabali-ibinabalik, binabali-baliktad (halimbawa, binabaliktad niya ang esensiya ng talinghaga—“sinasabi kong ‘usok,’ // gayong ang ibig ko talagang sabihin, / may abuhing sawá na tinukso ng kaitaasan.”), binubuo-binubuwag ng isang “mahal na makata” na “nagpapadala lamang [sa kanyang] mga paa” hanggang “makutuban . . . na may kuwentong mas malaki / sa kahit anong [kanyang] ikuwento” at siya ay “gumaganap lamang // sa papel ng walang-ngalang tagapakinig, / o isa sa mga napadaan lamang, hindi rin magtatagal.”

“Sinusulat ito sa pagitan ng mga emerhensiya,” ani Tuazon. Balintuna ito sa konteksto ng kabuuan, gayunman, dahil walang madaramang anumang pagmamadali sa mga tulang narito na isinulat wari sa pag-uurong-sulong, sa pamamaraang parataktiko, palihis o padaplis, palinsad o palunsad pero hindi umaabante kahit malaon nang nakaabante; kung gayon, ang nasa pagitan. Kung gayon, aporetiko, at higit pa, apokaliptiko (kaya may emerhensiya): pirming nakamata sa dulo kahit nananatiling nasa bungad. Patunay lang ito na si Tuazon ang “bisyonaryo / mula sa isang sulok, [nakatanaw] // nang mas malayo sa kanilang malayo // . . . // lampas / sa nauna sa iyong mag-abang”: namimilosopiya habang namimilosopo, mapaglaro at mapaglimi, mapanlansi at mapanlandi. Masalimuot, seduktibo.
—Mesándel Virtusio Arguelles

Masalimuot pero malugod na naisamalay ni Rosmon Tuazon, higit pa, kamangha-manghang naisatula ang mga abentura ng sari-saring kaakuhan at kanilang primaryong damdamin ng pagkilala, lalo na ng matinding pag-aalangan sa sarili, hindi sa negatibo kundi sa tunay na matalas o pilosopikong paraan kasama ng nakaengkuwentrong ibang kamalayan. Sa lundo ito ng emerhensiya, sa sandaling pinaiikot ng malay ang nasaksihan o pinagdaraanang danas. Tila ito ang tuon ng mga tula: ang pag-arok sa drama ng sandaling tutuntungan ng mga sarili. Pinagmumunihan ng manlilikha—arkitekto, pintor, makata, tao—ang kahulugan ng sining para sa kaniya at para sa kapuwa sa lupalop ng pansarili at malawak na kasaysayan. Sa mga ito, bida ang poetiko hindi sa liriko kundi sa nakadistansiyang posisyon: dumadama, nagmumuni sa buhay na hawak ng kamatayan, tumutukoy sa kaakuhan ng iba na supremong katwiran at galugad ng koleksiyong ito.
—Romulo P. Baquiran Jr.

May nakapagsabi na ba na ang pagdanas sa tula ay pagharap at pagtapak sa bingit? Dito, sa aklat ni Rosmon Tuazon, inaasinta ng kaniyang mga tula ang namimintog nating ligalig at bagabag na anumang sandali ay mag-aanyong kuyog ng mga bubuyog. Sa kabila ng pagiging tiim-bagang ng tinig ng kaniyang mga persona, namumugad pa rin sa kani-kanilang dibdib ang pangamba. Walang babala, dinadala nila tayo sa bungad ng matensiyong dramatikong sitwasyon, at dinadakip ng mga taludtod ang ating mga buntonghininga “habang tumutulig ang kalampag, ang singasing // ng di-tanaw na tren.” Sa mga sandali ng walang kapanatagan, kasama natin silang tumatalas ang mga pandama, at nababatak ang hinahon at diwa, kasabay sa pagsisiyasat at paggalugad sa mga ugnayan natin sa isa’t isa, sa mortalidad, sa sining, at sa tula. Ano ang takot ko? tanong ng persona sa isa sa mga tula, at ganap nating mauunawaan na likas na nakabuntot ang takot, at sa biglang-lingon, nagpapatay-malisya o nagpupulasan. Ang pangangailangang harapin ito sa araw-araw. Sa ganito tayo tinuturuan ng makata kung papaano aamuhin ang alinlangan. Sapagkat ang tula, o ang pagdanas sa tula, ay ang pagharap sa pagitan ng mga emerhensiya.
—Enrique S. Villasis

Author: Rosmon Tuazon
ISBN/ISSN: 978971542985-6
Category: Literary; Poetry; Filipino
Copyright: 2022
Pages: 82pp
Size: 6x9
Type: PB/SP

Sa Pagitan ng mga Emerhensiya (The Philippine Writers Series 2022)

Item no : 38330793260
sold recently : Login >>
US$ 30.00
Pay in 4 interest-free payments of $7.50 Learn more
Min. order: 1piece

Shipping Estimate
USA
  • USA
  • CAN

Ships within 48 hours · Estimated delivery Jul 1 - Jul 6

Enjoy 20% off shipping

US$ 30.00

1-11

US$ 27.00

12-35

US$ 21.00

36-59

US$ 18.00

60+

US$40

Get now

Sign up to your membership to get coupons up to

15%

Get now

Opportunity to enjoy order discount up to 15% off

Please add the products
Shipping Notes
  • Free Standard Shipping on $100+ Orders to the USA.
  • Except Preorder products are shipped in 48 hours.
  • Delivery to the USA:
  1. Standard Shipping : 3-10 business days
  • If time is of the essence, please consider selecting expedited delivery for faster service.
Exchange/Return Notes
  • We offer a 30-day return/exchange service after receiving.
  • Final sale items are not eligible for returns or exchanges.
  • To process your return/exchange, please contact us at [email protected]
  • Please click here for more details>>> Return & Exchange Policy

Discover Niche Categories That Outsell

Top-Converting Item to Boost Your Average Order

recommand products

Related Searches